top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Maraming pera

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni May Joy ng May_Joy_Nelmida@face­book.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na may nagbigay sa akin ng napa­ka­raming pera, paulit-ulit ko itong napananaginipan.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

May Joy

Sa iyo May Joy,

Malamang, iniisip mo na puwede kang magkapera ng malaki anumang oras o araw. ‘Yan ang mga posi­ti­bong senaryo na maaaring maranasan mo.

Ang negatibo ay manga­ngailangan ka ng malaking halaga ng pera, mangungu­tang ka, pero pauutangin ka naman.

Ano kaya sa dalawang senaryo ang puwedeng mangyari sa iyo?

Maaaring mangyari sa iyo ang unang senaryo kung saan ipadarama sa iyo ng la­ngit na ikaw ay espesyal na napabibilang sa masusu­werteng nilalang.

Ang limandaang piso sa panaginip ay nagpapahiwa­tig ng panalo sa pakikipagsa­palaran.

Bago mo isipin na pu­we­de kang manalo sa lotto, ang pakikipagsapalaran ay hindi palaging sa pagsusugal dahil ang pagnenegosyo ay pakikipagsapalaran din.

Dahil dito, ipinapayo sa iyo na mula sa araw na ito, ilagay mo sa isip mo na gus­to mong magnegosyo.

Ito ay kung hindi ka pa pumasok sa larangan ng pag­nenegosyo at kung nag­kataon na ngayon ay may negosyo ka na, ang ilagay mo sa isipan mo ay mag­ka­ka­roon ka ng malaking ha­laga na gagamitin mo sa pag­pa­lago ng iyong negosyo.

Huwag mong kalilimu­tan na ang isip ng tao ay ma­ka­pangyarihan, ang totoo nga, ang mga iniisip mo ay pu­we­deng mangyari sa re­ya­lidad.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page