KATROPA, ITINIRIK ANG DYIP, MCKAY ABANGERS


KUMALAS sa fourth quarter ang TNT Ka Tropa upang pagulungin ang Columbian Dyip 109-102 sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kumana si Terrence Jones ng 39 points, 17 rebounds at anim na assists para tulungan ang Ka Tropa na ipinta ang five-game winning streak.
Lumaban nang sabayan ang Dyip sa unang dalawang quarters, isang puntos lang ang hinahabol nila, 50-51 sa halftime.
Sa first canto nakalamang ang Dyip ng lima, 27-22. Hindi makalayo ang KaTropa, nakasunod sa kanila ang Dyip, 73-71, sa pagtatapos ng third quarter.
Naging matatag naman ang Ka Tropa sa fourth period kaya naman nakuha nila ang pang-pitong panalo.Samantala, ipaparada ng Blackwater Elite ang kanilang replacement import na si Jameel McKay pagharap nila sa NorthPort Batang Pier ngayong alas-4:30 ng hapon sa parehong lugar.
Pinalitan ni McKay si Alex Stepheson na hindi bumalik sa bansa matapos siyang payagang tumungo sa United States para sa kanyang medical treatment.
Na-diagnosed si Stepheson ng intestinal bacteria, pero hindi siya nakabalik noong Huwebes.
Pangalawang balik na sa PBA si McKay, naglaro siya sa Phoenix Fuel Masters sa parehong conference may dalawang taon na ang nakalipas.
Nag-average si McKay ng 23.8 points, 17.3 rebounds, 2.6 assists, 1.1 steals at 2.1 blocks. Matapos maglaro sa PBA, naglaro si McKay sa Japan, Lithuania, Iceland at sa Windy City Bulls sa NBA G-League. (ATD)
Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. - NorthPort vs Blackwater 6:45 p.m. - Magnolia vs Phoenix





Comments