top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Driver at konduktor huli sa shabu

Pabs Hernandez III
Jun 22, 2019
1 min read

LA UNION—Isang driver at konduktor ang dinakip ng mga awtoridad nang makum­piskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Concepcion, Rosario sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Marlon Artajos, driver at Louie Joliya, konduktor na kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page