top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw pinaghandaan pero handa nang mamatay… "WHEN YOU HAVE TO GO, YOU HAVE TO GO” — EDDIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2019
  • 3 min read

Nagluluksa ang buong entertainment industry sa paglisan ng iconic actor na si Eddie “Manoy” Garcia.

Sa karamihan kasi, ‘di lang siya mabuting aktor kundi isang extraordinary talent na regalo ng Diyos sa movie industry.

Napakahusay na aktor, award-winning director, very professional at superb sa pakikisama. Kulang na lang talaga, lagyan siya ng halo sa ulo.

We may not be that close kay Manoy Eddie, but we felt connected to him, kasi sa huling taon ng buhay niya ay ilang beses at halos sunud-sunod namin siyang nakapa­nayam at nakasama sa mga piktyuran session.

First was during the press conference of 2018 Cinemalaya Independent Film Festival. May entry siya noon, ang ML kung saan nanalo siya ng Best Actor award sa katatapos lang na Gawad Urian Awards.

Tapos na ang presscon noon at naka-one-on-one na namin ang karamihan sa mga artistang may entry sa Cinemalaya. Pag­lingon namin malapit sa entrance ng lobby ng Cultural Center of the Philippines, namataan namin si Manoy Eddie na naka­upo sa dulo ng lamesang nakapuwesto roon.

Unmindful of everybody, pero ‘pag may lumalapit naman sa kanya para magpapik­tyur, he was very much willing at nag-i-smile.

Naisip lang namin, tingnan mo si Eddie Garcia, sikat, mahusay na aktor, inirerespeto ng marami, pero ‘di siya naiilang na umupo sa isang tabi, hindi uhaw sa atensiyon at ‘di nagdi-demand ng special treatment.

Sunod na encounter namin sa kanya was during the grand media launch ng 2018 Quezon City International Film Festival kung saan may entry ulit siya via Dan Vil­legas’ film, ang Hintayan ng Langit.

Doon ay muli namin siyang nainterbyu regarding the film which tackles life after death.

Tinanong namin siya kung nag-aalala ba siya na any moment ay bigla na lang niyang iwan ang pag-aartista at buhay na meron siya.

Ay, hindi. Gusto mo, mamatay na ako bukas, okey na sa akin,” seryosong biro ni Manoy.

Dugtong pa niya, “Oo, okey lang. Saka ako, ‘pag death bed, gusto ko, sunugin na agad ako, wala nang wake. Basta kapag namatay ako, tuloy agad sa prituhan para tapos na.”

Tinanong din namin siya kung paano na lang ‘yung mga mahal niya sa buhay na gusto pa siyang makapiling nang matagal?

“Ay, wala. Mababasa naman nila.”

Pinaghahandaan na ba niya ang araw na lilisanin niya ang mundo?

“Hindi. When you have to go, you have to go,” game niyang sagot.

Panghuli, we asked him kung may ga­gawin na ba siyang mensahe para sa kanyang pamilya kapag nararamdaman niya na malapit na niyang lisanin ang mundo?

“Wala na. Wala nang mensahe. Ang kuwan, maaalaala ka lang siguro in the first month or two. After that, nakalimutan ka na ng tao. Eh, ganu’n talaga, ‘di ba?”

Muli, sa ikatlong pagkakataon ay nakausap namin si Manoy sa magkasunod na presscon ng Hintayan ng Langit at ML for the theatrical release ng dalawang film­fest entries niya.

Sumunod na pagkikita namin ni Manoy ay nu’ng presscon naman ng Rainbow Sunset na isa sa mga official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

And lastly, we had the chance to pose for a picture again with Manoy sa backstage ng Resorts World Theater along with the Movie Queen of All Time (title ko ‘yan for Miss Gloria Romero) na kapare­hong awardee niya para sa Natatanging Bituin ng Siglo ng 35th PMPC Star Awards for Movies last June 2.

Little did we expect na may mang­yayaring aksidente kay Manoy a few days after tanggapin ang parangal ng Natatanging Bituin ng Siglo.

Now that he is gone, maaaring after a month ay makakalimutan na siya ng marami sa atin gaya ng sinabi niya, pero mananatili pa rin ang mga alaalang iniwan ni Manoy ‘di lang sa mga taga-industriya kundi pati na sa puso ng mga Pinoy.

Para sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Manoy, ang aming taos-pusong pagyakap and prayer that the blessing of the God of All Comfort will be upon them.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page