top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sa kabila ng paglihis ng istorya laban sa mga biktima... parusa para sa mga taong may kinalaman sa p

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 21, 2019
4 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

NAPAKASARAP sa pakiramdam na makita ang resulta nang maayos na pagpapalaki sa ating mga mahal na anak, apo at kapatid — mula nang sila ay isilang hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral, magkaroon ng pro­pesyon at sarili nilang pa­milya o maging sa pagta­hak ng ibang landas na patungo pa rin sa kanilang kaunlaran. Ganito ang gus­tong maramdaman at masaksihan nina Francis at Ligaya Paule, ama at lola ni Justine Paule. Sa kasamaang-palad, imbes na patuloy na nalinang at sumulong si Justine, siya ay napagkaitan ng gani­tong mga pagkakataon dahil sa maaga niyang pag­panaw sa edad na la­bintatlo (13). Si Justine ay namatay noong Hunyo 2, 2019 sa ospital sa Pam­panga. Siya ay na­turukan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan sa na­sabing lu­gar; una, noong Abril 4, 2016; pangalawa, noong Oktubre 18, 2016 at pa­ngatlo, noong Hulyo 18, 2017.

Si Justine ang pang-isandaan at tatlumpu’t anim (136) sa mga naturukan ng Dengvaxia, nakaranas ng sintomas, common pattern of 4 serious adverse effects (anaphylactic allergic rea­ction, viscerotropism, neuro­tro­pism & increase in severity of dengue disease) na con­sistent sa Sanofi declaration sa Food and Drug Adminis­tration (FDA) noong Dis­yembre 22, 2015 at namatay na sumailalim sa forensic examination ng Public Attor­ney’s Office (PAO) Forensic Team, pagkatapos hingin ng pamilya ang serbisyo ng na­turang grupo para sa yumao. Binibigyan din sila ng ka­ilangan nilang libreng ser­bisyo-legal ng aming tang­gapan sa pangunguna ng inyong lingkod bilang ang­kop na tugon sa kanila ring kahilingan.

Matapos maturukan si Justine ng naturang bakuna ay maayos naman ang kan­yang kalusugan maliban na lamang sa pasulput-sulpot na pagkakaroon niya ng lag­nat na naaagapan naman sa tuwing pinaiinom siya ng pa­racetamol. Ngunit, pagkali­pas ng halos mahigit isang (1) taon mula noong huli si­yang maturukan ng Dengva­xia noong Mayo 3, 2019 ay biglang dumaing si Justine ng pananakit ng kanyang ulo, tiyan, likod at kasu-ka­su­an. Pinainom siya noon ng kan­yang pamilya ng parace­ta­mol. Bahagyang naibsan ang kanyang masasamang nara­ramdaman, subalit, bu­malik din agad ang mga ito pag­kalipas ng ilang sandali. Noong panahon ding ‘yun ay napansin ng kanyang Lola Ligaya na gustung-gusto ni­yang naliligo at binabasa ang kanyang mga paa. Sa mga sumunod na araw ay hindi bumuti ang kalagayan ni Jus­tine at siya ay naging ma­lungkutin. “Nagbago ang kan­yang ugali at naging bug­nutin”, ayon sa kanyang lola.

Dahil walang pagbabago ang mga nararamdaman ni Justine, siya ay pina-check-up ng kanyang ama at lola sa ospital sa Pampanga noong Mayo 15, 2019. Base sa re­sulta ng mga pagsusuri na isinagawa sa kanya ay may UTI si Justine. Nire­se­ta­han siya ng antibiotics ng doktor at pagkatapos ay in-admit siya sa nasabing os­pital sa kadahila­nang siya ay natu­rukan ng Dengvaxia vaccine. Nang sumunod na araw ay nanginig at gini­naw si Justine. Noong araw na ‘yun, ayon sa kan­yang ama at lola: “Kung anu-ano ang kanyang mga sinasabi noon na hindi namin ma­in­tindihan. Siya ay nagwawala dahil sa sakit na kan­yang na­raramda­man.” “Hin­di bu­muti ang kalaga­yan ni Justine, sa halip, lalo pang lu­mala ang kanyang ma­sa­samang nararamdaman”, dagdag pa nila.

Nagsimula noong Mayo 17, 2019 ang mga pangya­yari na tila nagpapahiwatig na papaikli na ang mga araw ni Justine sa mundong iba­baw. Narito ang bahagi ng salaysay ng kanyang ama na si Francis at lola na si Li­gaya, hinggil dito: “Noong ika-17 ng Mayo 2019 ay hin­di na muling nagising si Justine. Ayon sa doktor ay na-co­matose na siya. Imi­nungkahi ng doktor na ipa-CT scan si Justine. Dahil dito ay inilipat siya sa xxx ng umaga ng parehong araw upang doon ipa-CT-scan. Ayon sa doktor at base sa re­sulta ng kanyang CT scan ay namamaga ang utak ni Justine dahil sa impeksiyon. Siya ay in-intubate at pag­sapit ng dakong alas-tres (3:00) ng hapon ay inilipat siya sa ICU ng nasabing os­pital. Noong hapon ding ‘yun ay inulit ang x-ray at CT scan sa kanya. Base sa na­ging resulta ng mga ito ay pareho pa rin ang nakita ng doktor.”

“Hindi na muling bu­muti ang kondisyon ni Jus­tine sa mga sumunod na araw. Noong ika-2 ng Hunyo 2019, mga alas-tres (3:00) ng madaling-araw ay nag-agaw-buhay na siya. Sinu­bukan siyang i-revive ng doktor, subalit, pagsapit ng alas-tres kinse (3:15) ng ma­daling-araw ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.”

Napakasakit para sa buong pamilya ni Justine na malaman na may pamamaga sa utak ang biktima at pag­karaan ay hindi na bu­muti ang kanyang kondisyon hang­gang sa humantong na ito sa kamatayan. (Maaalalang ang pamamaga at pagduru­go ng utak at internal organs ay sinapit din ng mga na­unang biktimang naturukan ng Dengvaxia na under cli­nical trial at nasawi.) Ma­hirap tanggapin para sa ka­nila ang kinahinatnan ni Jus­tine sa­pagkat nang nabubu­hay pa ito, larawan siya ng malakas, aktibo, malusog at masiglang bata. Ayon pa sa kanyang ama at lola: “Kailanman ay hindi pa siya nagkasakit nang malubha at kinaila­ngang maospital ma­liban na lamang nitong ka­ma­kailan kung saan siya ay labis na nagkasakit na na­ging sanhi ng kanyang aga­rang pagpanaw.”

Palaisipan para sa buong pamilya ni Justine ang kan­yang kamatayan. Ang kato­to­hanan sa naging kondis­yon ng minamahal nilang yu­mao ang nais nilang ma­laman kaya hiniling nila na mapa­sailalim sa forensic exa­mi­nation ng PAO Forensic Team ang mga labi ni Justine. Katarungan ang isinisigaw ng kanilang kalooban, gayun­din ng mga pagpaparam­dam ni Justine, kaya lumapit sila sa inyong lingkod upang ma­i­pag­laban ng PAO ang si­napit ni Jus­tine. Ka­agad na­ming ti­nu­gunan ang kanilang mga hi­ling sa abot ng aming ma­ka­kaya at ang libreng serbisyo-legal ng aming tanggapan ay patuloy naming ibinabahagi sa pamilya ni Justine.

Ayon sa Pamilya Paule, si Justine noon ay mahilig ku­manta at sumayaw. Sa aming patuloy na pagpu­pun­­yagi para sa kanyang kaso at sa mga kaso rin ng katulad niyang biktima, ibi­nibigay namin ang aming bu­ong kakayahan, lakas at pag­mamalasakit upang ma­kasu­nod sa mandato ng PAO na sang-ayon sa Re­public Act No. 9406 (PAO Law) at sa kautusan ng DOJ noong ika-12 ng Disyembre, 2017. Ha­rinawa, balang-araw, ang mga nahahapis ngayon ay muling makaiindak at makahihimig nang buong saya sapagkat nag­tagumpay na sa mga san­daling ‘yun ang hustisya.

Sa ngayon ay sumusu­long na ang 35 independent civil cases na isinampa ng mga magulang sa Regional Trial Court (RTC) of Que­zon City. Patuloy ang pag­dating ng mga RTC Order of Consolidation para ma­ging maayos at mapabilis ang napipintong mga pagli­litis. Sana ay bumilis ang pag-inog ng hustisya — kasimbi­lis din nang biglaang kamatayan ng mga biktima. Samantala, ang pagsasampa at pagsu­ong sa korte ng criminal cases ay nakasalalay sa mga kamay ng DOJ prosecutor.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page