top of page
Pokwang.jpg

PLDT, katuwang din ng digital alliance ng Go Negosyo

Thea Janica Teh
Jun 21, 2019
1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Sa 11 years na pagsasama ng PLDT at Go Negos­yo, muli silang magtu­tu­lu­ngan para sa digital entrepreneurs sa mas pinalawak at pinabilis na connection. Dahil ang PLDT ay nakiisa na rin sa Angat Lahat sa digital alliance ng Go Negosyo kasama ang iba’t ibang digital platforms para i-promote ang digitalization sa micro at small entrepreneurs.

Mula pa noong 2008 ay magkasama na ang PLDT at Go Negosyo sa pagbibigay ng men­torship, entrepreneurship programs at business solutions sa mga micro, small at medium entrepreneur.

Ibinahagi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na mapalad sila na makasama ang PLDT sa pagsuporta sa kanilang advocacy. “Ever-since our early years, kasama na namin ang PLDT sa pagme-mentor sa mga aspiring entrepreneur kaya naman ngayong digital age na, ibibigay ng PLDT ang mas pinagandang connectivity at business solutions para sa mas mala­wak na market. Kaya naman, ine-encourage namin ang lahat ng MSME na i-maximize ang digitalization para sa convenience ng lahat.”

Suportado rin si PLDT Chairman at CEO Manny Pangili­nan sa pakikipagtulu­ngan sa alliance na ito na mapa­ganda ang digital environment para sa micro at small entrepreneurs.

Bukod pa rito, naka­sama rin nina Concep­cion at Pangilinan ang mga miyembro ng Angat Lahat sa digital alliance at iba pang business organizations.

Ang meeting na naganap noong June 10, 2019 ay parte ng digital alliance para makabuo ng programa para sa MSMEs.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page