Negosyante todas sa mga armado
SULTAN KUDARAT—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tacurong City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Erickson Aranico, nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang binubuksan ni Aranico ang kanyang negosyong internet cafe ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments