Kung si Vice nga raw, 'di umubra… KATHRYN AT ALDEN, AYAW UMASANG ITATAOB ANG MOVIE NG KATHNIEL
- BULGAR

- Jun 21, 2019
- 1 min read

NAPAKALAKING pressure naman para kina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung hahangarin nilang mapantayan ng pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ang box office record ng The Hows of Us nina Kathryn at Daniel Padilla.
Tinalo nga ng The Hows of Us ang mga all-time hits na pelikula ni Vice Ganda at maging ng iba pang top grosser sa MMFF.
Hindi pa nabe-break ang record na naitala ng The Hows of Us at siguro, kahit pagsama-samahin pa ang malalaking artista sa isang pelikulang pang-Metro Manila Filmfest, walang katiyakan kung kikita nang mas malaki kesa sa naturang movie.
Kaya, ayaw masyadong mag-expect ng KathDen love team na patataubin nila ang record ng The Hows of Us. Sapat nang kumita ito at magustuhan ng mga moviegoers.
Pero hindi pababayaan ng mga fans nina Kathryn at Alden ang Hello, Love, Goodbye. In full force silang susuporta sa movie. Kani-kanya sila ng diskarte para i-promote nang husto ang first team-up nina Kathryn at Alden.
Pati ang mga fans nina Daniel Padilla at Maine Mendoza, nag-pledge na manonood.





Comments