BLAZE SPIKERS, NAGBAGA KONTRA MARINERA SA PSL


SINIMULAN na ng Petron ang title-retention bid sa bisa ng 25-21, 25-16, 25-10 na panalo kontra Marinerang Pilipina kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Imus Sports Complex.
Nakapagtarak si Aiza Maizo-Pontillas ng 15 points, 12 kills at three blocks habang may limang excellent receptions habang hindi pinaporma ng Blaze Spikers ang Lady Skippers sa tatlong matches. Umiskor si Mika Reyes ng 10, si Bernadeth Pons ay may 9 habang si UAAP MVP Sisi Rondina ay may 8 puntos.
Nakapag-ambag si Rhea Dimaculangan ng 20 excellent sets at 4 aces. “Happy ako kasi panalo sa first game pero, siyempre, mas kailangan pa rin namin mag-step up kasi next week, puro contenders ang kalaban namin,” ayon kay Petron coach Shaq delos Santos. “Noong third set, inilaro lang namin kung ano ‘yung inilaro namin kasi alam naman namin kung ano ‘yung quality ng puwede nilang ilaro,” dagdag ni coach Delos Santos. Walang nakaiskor ng dobleng pigura sa Marinerang Pilipina, kung saan sina Dimdim Pacres at Judith Abil ang namuno na may tig-9 puntos.
Samantala, hindi minamaliit ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang posibilidad na makapagbigay ng eksplosibong laro ng trio nina Stanley Pringle, Scottie Thompson at LA Tenorio. “There is no doubt Scottie can play with either LA or Stanley. And Stanley can play with LA or Scottie in the backcourt. Even the three of them can play together. So it’s a nice combination to have,” ayon kay Cone.
Sinabi ni Cone na ang tatlong guards ang babanat para sa huling bahagi ng minuto ng Kings kung saan si Pringle ang sagot dito kapalit nina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz na inilipat sa NorthPort.
Wala rin siyang duda na sina Stanley, LA at Scottie ang dodomina sa buong laro. “So if you work out the numbers, all three guys can play 36 minutes. That’s plenty. You don’t want guys playing more than that because you are risking injury and players wearing down physically and mentally,” buong tiwala na saad ni Cone. (VA/MC)





Comments