Stepdaughter ni-rape ng stepfather
CAMARINES SUR—Isang stepfather ang dinakip ng mga awtoridad matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanyang stepdaughter, kamakalawa sa bayan ng Sipocot sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang “Nancy”, 14-anyos, madalas umano siyang gahasain ng kanyang stepfather at naulit umano ang panggagahasa, kamakalawa kaya ipinahuli na niya ang suspek sa mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong rape at child abuse.





Comments