top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rider dedbol sa kotse

Pabs Hernandez III
Jun 20, 2019
1 min read

ILOCOS SUR—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng kotse ang kinalululanan nitong motorsiklo, kamakalawa sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Eric Tabali, nakatira sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng kotseng minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya nabangga nito ang kasalubong na motorsiklo ng biktima.

Dinala pa ng mga saksi si Tabali sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa driver ng kotse.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page