top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Out na naman sa serye ng Kapuso, Aljur… KALAT NA: KYLIE, BUNTIS ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20, 2019
  • 1 min read

HOW true na buntis daw uli si Kylie Padilla?

Ito ang bulong-bulungan ngayon at marami ang nanghihinayang kung totoo nga na preggy ang aktres sa second baby nila ni Aljur Abrenica.

Kasama pa naman sana si Kylie sa isang malaking upcoming project ng GMA-7. Maganda raw ang role ni Kylie sa bago niyang project sa Kapuso Network at malalaking artista ang makakatrabaho niya.

Well, wala pang confirmation sa kampo ni Kylie sa umiikot na ku­wento tungkol sa kanyang pag­bubuntis. Hindi naman kasi siya naging visible sa telebisyon nang magtapos ang rom-com serye nila ni Ruru Madrid na Toda One I Love.

Mukhang ini-enjoy ni Kylie ang pagiging wife and mommy.

Pero kung saka-sakali naman na hindi totoong buntis ang aktres, at least, may bagong project siyang pagkakaa­balahan. At hindi naman siya pipigilan ni Aljur dahil mag­ka­katu­lungan sila to have a financially stable life para sa future ng kanilang pamilya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page