top of page
Pokwang.jpg

Ayon sa mga eksperto... LEMON, EPEKTIB NA PANLABAN SA DIABETES!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2019
2 min read

Kilala ang le­mon dahil sa taglay nitong Vitamin C na labis na nakatutulong sa im­mune system. Gayundin, inirereko­menda ng mga eks­perto ang lemon bi­lang sangkap sa home remedies sa iba’t ibang kondis­yon tulad ng sinus, chest congestion, lag­nat at acne. Bukod pa rito, alam ba ninyo na ang lemon ay epek­tibo ring remedy para sa diabetes? Wow!

Tulad ng orange, ang lemon ay mayroon ding Vita­min C. Dahil dito, ang lemon at orange ay gina­gamit upang mapigi­lan ang scurvy, uri ng sa­kit na nagre­re­sulta sa Vita­min C deficiency.

Base sa American Dia­betes Association, kabi­lang sa kanilang listahan ng ‘super foods’ ang le­mon dahil nakatutulong sa mga indibidwal na may diabetes ang soluble fiber at Vitamin C na taglay nito. Gayundin, ang lemon ay may mababang glycemic index.

Napakalaking tulong ng soluble fiber at Vitamin C sa mga indibidwal na may diabetes.

Ayon sa mga eks­perto, ang high-fiber diet ay na­katutulong upang mapababa ang blood sugar.

Ang soluble fiber ay nakatutulong din umano sa pag­papababa ng tsan­sa sa pagkakaroon ng heart disease sa pama­magitan ng pagpapababa ng blood pressure at cholesterol.

Ang Vitamin C ay ma­gandang uri ng antioxi­dant na nakababawas ng free radical damage sa ka­tawan.

Dagdag pa rito, ang mga taong may diabetes ay mayroong mababang level ng Vitamin C, pero dahil nakatutulong ang Vitamin C sa produksiyon ng col­lagen, namaman­­tina nito ang integridad sa walls ng arteries.

Gayundin, naka­tutu­long ito sa mga indibidwal na may problema sa sir­kulasyon ng dugo at arte­rial damage.

Sa ilang pag-aaral, ang Vitamin C ay nakatutu­long sa pagpapababa ng lebel ng fasting blood su­gar, triglyceride, choleste­rol at inflammation, ga­yundin, nakai-improve ito ng insulin resistance.

Akalain n’yo ‘yun, hindi lang simpleng kon­disyon ang kayang re­medyuhan ng lemon?

Wow, mga besh, kung naghahanap kayo ng home remedy, try n’yo na ‘to!

Hindi masamang su­mubok, lalo na kung para sa ikabubuti ninyo.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page