Yeah, 'yan ang problema niya… BYUTING TV HOST-ACTRESS, NAKAKASUKA ANG BAD BREATH, MISTER NA TV C
- Erlida Rapadas
- Jun 19, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
MULTI-TALENTED ang magandang female celebrity dahil magaling nang mag-host, nakakaarte pa. Okay din ang kanyang personalidad kaya may mga endorsements pa rin siya kahit na nag-asawa at nagkaanak na.
Ang labis na ipinagtataka ng marami ay kung bakit hindi aware ang TV host-actress na may kakaiba siyang amoy (bad breath) at bakit hindi masabi ito sa kanya ng malalapit na kaibigan?
At bakit tumagal din sa kanya ang TV personality na napangasawa niya ganu’ng matagal silang naging magkarelasyon bago nagpakasal?
Wala bang pang-amoy ang guy o nakasanayan na niya ang bad breath ng kanyang misis?
Kung tutuusin, malinis naman sa pangangatawan ang TV host-actress. Mapuputi ang kanyang ngipin, mistulang bagong paligo lagi at maayos manamit.
Hindi siya dugyot sa katawan at may concern sa kanyang personal hygiene. Pero, may mga taong nagsasabi ng kanilang kakaibang experience kapag kausap nila ang magandang TV host-actress. Pigil na pigil ang kanilang paghinga dahil nasasagap nila ang bad breath ng girl kapag kausap nila!





Comments