top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

VARGAS, NAGBITIW BILANG POC PREXY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2019
  • 2 min read

LIMANG buwan bago ang nakatakdang hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games, kinakailangang humanap ng bagong pinuno ang Philippine Olympic Committee.

Ito’y matapos ang biglaang pagbibitiw ni POC president Ricky Vargas sa kanyang puwesto sa isinagawang POC executive council meeting kahapon sa Pasig City. “We had a good meeting but at the end of the day, our president decided to tender his irrevocable resignation and we respected that,” ayon kay Archery Association president Clint Aranas.

Pansamantalang itinalaga bilang acting president si first vice president Joey Romasanta. “After much introspection, I have determined that there would be other sports leaders who would have the time and inclination needed to lead the POC more effectively,” saad ni Vargas sa inilabas niyang statement.

Ilan sa mga binanggit niyang kadahilanan ng kanyang pagbaba sa puwesto ay ang kanyang corporate responsibilities at sentimiyento ng kanyang pamilya. Naging mainit si Vargas, ang tumapos sa 13 taong chairmanship ni Peping Cojuangco nitong mga nagdaang linggo dahil sa SEA Games.

Kabilang sa mga isyung naging maugong ay ang pagbuo ng PHISGOC Foundation na iba pa sa naunang PHISGOC na parehas din ang ginagampanang papel sa SEAG.

Nariyan din ang overpricing ng sports apparel na gagamitin sanang opisyal na uniporme ng mga atletang Pinoy. Itinalaga ni Vargas ang secretary-general na si Pato Gregorio na tumulong sa pagsasalin ng katungkulan.

Nakausap ni Vargas ang mayorya ng 13-man POC board sa isang dayalogo hinggil sa ilang isyu kabilang na ang papel niya sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation, Inc., ang grupo na nagsasabing nasa gitna na ng paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas mula Nob. 30-Dis. 10, sa kabila ng kawalan ng POC Board approval.

Agad na umalis si Vargas sa session at hindi na nagpa-interview. Nagpatuloy ang meeting ng Board nang wala si Vargas. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page