Piktyur ng 'mga anak' nila, ipinost sa IG… SIGAW NI KATHRYN: MAGULANG NA KAMI NI DANIEL


ALIW ang video ni Kathryn Bernardo na tinuturuan niyang magsalita ng “I love you” ang alaga niyang aso na si Tala. Ipinagagaya niya ang paraan ng pagsasabi niya na ang “you” ay mahaba na parang umuungol na aso.
Paulit-ulit niya itong tinuruan at talagang panay ang sabi niya na “Do it.” As if namang makakapagsalita nga ang aso.
Maraming alagang aso si Kath at ang nakakatuwa pa, ipinagbukas pa niya ng IG account ang mga ito na ang username ay “bernardogcath.” Nakalagay sa deskripsiyon na ang parents ay silang dalawa ni Daniel Padilla. And mind you, may 108,000 followers na ang doggie account.
Dito makikita ang larawan ng kanyang mga aso at dito nga rin niya ipinost ang video ng pagtuturo niya ng “I love you.”
Ang dami namang natuwa sa video at komento nila, ang cute raw ng mag-ina. May nagbiro ring kay Daniel Padilla na lang daw sabihin ni Kath ang “I love you.”





Comments