Pag-IBIG Fund, nakuhang muli ang highest opinion mula sa COA
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay ipinasa ng Commission on Audit (COA) sa Pag-IBIG Fund para mag-transmit ng kanilang audit noong 2018. Ang state auditors ay nagbigay sa Pag-IBIG Fund ng unmodified opinion na pinakamataas sa lahat ng government agency o corporation na matatanggap sa COA.
Ito na ang ikapitong highest opinion na natanggap ng Pag-IBIG Fund mula sa state auditors. Ibinahagi ni Director Ma. Lisa P. Inguillo, officer-in-charge ng COA Social Security Service at Housing Cluster sa kanyang sulat na isa sa mga dahilan kaya nakuha ang record na ito ay dahil sa financial statement ng HDMF (Home Development Mutual Fund) na natapos noong December 31, 2017 at 2018.
Ito ay patunay lamang na ibinibigay ng Pag-IBIG Fund ang magandang serbisyo para sa kanilang mga miyembro. Kaya naman ipinagmamalaki sila ng lahat ng miyembrong Pilipino sa kanilang magandang adhikain.
Mula noong 2012 hanggang 2017, nag-render ang COA ng unqualified opinions sa financial statement ng Pag-IBIG Fund at unmodified opinion noong 2018. Ginamit pareho ang unqualified at unmodified opinion para sa presentation ng kanilang financial statement sa lahat ng material respect para sa kanilang reporting frameworks.
“Naitala ng Pag-IBIG Fund ang record-breaking noong 2018! Ito ay dahil sa high record sa net income na P33.17 bilyon, housing loan takeout na P75.3 bilyon kung saan nakinabang ang 90,375 miyembro. Sa short-term loan naman, naglabas ang Pag-IBIG Fund ng P49.23 bilyon at halos 2.43 milyong miyembro ang natulungan. Tunay na best-year ever ng Pag-IBIG Fund ang 2018 dahil na rin sa highest recognition ng COA”, bahagi ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy P. Moti.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments