Most wanted criminal nasakote
Pabs Hernandez III
Jun 19, 2019
1 min read
CAVITE—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Ibayo Silangan, Naic sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Erwin dela Vega, nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Dela Vega sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong kidnapping with homicide.
Hindi naman nanlaban si Dela Vega nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.





Comments