top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magpapatayo raw ng iskul para sa LGBTQIA… SIGAW NG MGA NETIZEN: PAGDAMI NG MGA BAKLA, KASALANAN NI V

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2019
  • 3 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA segment na Tawag ng Tang­ha­lan ng It’s Showtime, sinabi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang plano niyang pagpapatayo ng kauna-unahang all-gay school sa bansa.

Ayon kay Vice, masaya raw siyang nakikita ang mga kapwa niya gays na nagsisipagtapos sa pag-aaral dahil hindi niya ito naranasan.

Kuwento ni Vice, “Natutuwa ako ‘pag maraming baklang nakaka-graduate. Kasi ‘di ko naranasan ‘yun, eh, ‘yung gumradweyt. Parang ‘yung pangarap ko, naisasakatuparan ninyo.”

Dito na ipinahayag ng Unkabogable Star ng Dos ang plano niyang pagpapatayo ng all-gay school dahil kung meron daw all-girls at all-boys school, dapat ay may ganito ring klase ng eskuwelahan.

Aniya, “Alam mo nu’ng isang araw, napag-usapan namin, ‘di ba, merong mga all-boys school, all-girls school? Bigla akong gumising na sabi ko, parang gusto kong gumawa ng eskuwelahan, ‘yung all-gay school.”

Ayon kay Vice, maraming bakla ang nahihirapang mag-aral dahil hindi sila tinatanggap ng mga eskuwelahan at ng mga kapwa nila estudyante kaya hindi nila nailalabas ang kanilang full potential dahil nahihiya at natatakot diumano sila.

“Kasi, ‘di ba, ang daming bakla na nahihirapang mag-aral dahil hindi sila ina-accept nu’ng eskuwelahan, ‘di sila ina-accept nu’ng mga kasama nila sa esku­welahan. Dahil lang sa bakla sila, hindi nila nari-reach ‘yung full capacity nila dahil nagtatago, dahil natatakot sila sa mga kasamahan nila sa eskuwelahan. Pero kung merong isang eskuwelahang yayakap, tatanggap, at susuporta sa kanila, lahat ng potensiyal, mailalabas.”

Dagdag pa niya, “Hindi natin alam, baka ‘yung baklang binu-bully ninyo, ‘yun na ang susunod na presidente.”

Sa isang interview ng PEP.ph kay Vice Ganda, sinabi rin ng Unkabogable Star na kailangang ituro sa mga eskuwelahan ang SOGIE o Sexual Orientation Gender Identity and Expression para maunawaan kung ano ang LGBTQIA, at kung ano ang gender identity ng bawat isa.

Pero kahit pa maganda ang layunin ni Vice, halo ang naging pananaw ng mga netizens sa sinabi niyang pagpapatayo ng kauna-unahang all-gay school sa bansa.

May mga netizens ang excited sa ganitong school dahil for sure raw ay masaya ang magiging environment dito dahil nakaka-good vibes ang mga bakla.

Sey ng isang netizen, “Ang saya at ang ingay siguro ng school na ‘yan. Hahaha! Sa totoo lang, nakaka-good vibes talaga ‘pag may mga kaibigan kang bakla. Walang araw na ‘di sasakit ang tiyan mo sa kakahagalpak sa tawa. They are the great therapy for the bad days that we encounter.”

Ipinagtanggol din ng isang netizen si Vice sa mga namba-bash sa komedyante.

Aniya, “Sana, ‘yung mga namba-bash kay Vice, kaya ring magpatayo ng school, or kahit tumulong lang sa iba, hindi ‘yung puro bash lang ang alam.”

Ilang netizens din ang tumutol sa pag­papatayo ng all-gay school sa bansa dahil ihihiwalay lang daw nito ang mga LGBT sa mga straight at posibleng mawala ang pakikihalubilo nila sa ibang tao.

Making ALL GAYS SCHOOL is b*tch. Pinapa­tu­­nayan lang niyan na hindi puwedeng makihalubilo ang LGBT sa straights. Ia-isolate n’yo sila imbes na magka­roon ng interaction sa ibang tao. ‘Yung school at school rules ang i-adjust or gumawa kayo ng rights for LGBT communities. Fight for equal rights, but Vice Ganda wants to separate them,” hirit ng isang netizen.

“Merong mga batang puwede pa ma-save sa pagi­ging bakla, pero kung ganito, tino-tolerate. Dadating ang araw na bakla na lahat ng lalaking mabu­buhay sa ‘Pinas, puro joke na pagkatao. Awts! Tigilan ‘yan,” pagtutol naman ng isang netizen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page