top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Chairman niratrat ng mga armado

Pabs Hernandez III
Jun 19, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang barangay chairman ang napatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. San Ricardo, Talavera sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Chairman Arniel Bernardo, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, papasok sa kanilang bahay si Bernardo nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page