‘PINAS, NAKA-GOLD SA ASEAN RAPID CHESS

WINALIS ng chessers ng Pilipinas ang podium ng boys under 18 na grupo habang matagumpay na nasikwat ni Mark Jay Bacojo ang kanyang pangalawang boys under 14 na ginto sa pagtatapos ng bakbakang rapid chess ng 20th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age-Group Chess Championships sa Mandalay City sa Myanmar.
Hindi nagpabaya ang mga dalagitang Pinay sa G18 na pangkat nang magsanib-puwersa sina 2nd seed at standard chess bronze medalist Francois Marie Magpily, standard chess gold medalist Vic Glysen Derotas at 4th ranked Natori Biazza Diaz para maiposte ang katulad na 1-2-3 sweep.
Tumapos ang troika nina Christian Mark Daluz, Stephen Rome Pangilinan at Eric Labog Jr. na may tigli-lima at kalahating puntos para pangunahan ang mga lumahok sa U18 na pangkat. Pero, dala ang mas mataas na tiebreak performance ni Daluz, pagkatapos ng apat na panalo at tatlong tabla ang naging susi niya sa trono. Pumangalawa si Pangilinan samantalang si Labog na nagkampeon sa standard chess ay nakuntento sa pangatlong baytang.





Comments