PRO PLAYERS, BAWAL SA 2ND EDITION NG OMNI CUP

KASUNOD ng tagumpay sa unang event noong Marso, nagbabalik ang OMNI Cup para sa second edition ng football tournamentna OMNI Cup 2019: Fight to the Finish na idaraos sa araw ng Sabado, Hulyo 13, 2019 sa McKinley Hill Stadium.
Sa layuning hikayatin ang marami na mas maging aktibo sa buhay, ang one-day, seven-a-side football tournament ay magtatampok ng 24 teams na hahatiin sa dalawang dibisyon na may tig-12 squads.
Ang Division 1 ay bukas sa lahat ng atleta habang ang Division 2 ay kinokonsiderang beginner-intermediate, kung saan ang dati at kasalukuyang UFL, PPL at PFL players ay hindi pinapayagang lumahok.
Isang babaeng atletalamang sa field ang kailanganpara sa Division 1 play habang tatlong female foot ballers ang kailangan sa pitch para sa Division 2 action.
Ang unang OMNI Cup ay may Suicide Squad Goons na nagwagi sa Division 1 habang ang Kickstart F.C. ang naghari sa Division 2.
Ang second staging ng OMNI Cup tournament ay itatampok ang all-star 11-aside exhibition match sa paglalaro ng mga kinatawan na player mula sa mga koponan.





Comments