top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Para sa mga nako-confused diyan dahil dehins pa dinaratnan... MGA SINTOMAS NG PAGBUBUNTIS, ALAMIN!

Ms. Donna
Jun 18, 2019
1 min read

No Problem

NALILITO pa rin ba kayo hanggang ngayon kung paano made-determine kung buntis ka o hindi? Don’t worry dahil narito ang ilang sintomas ng pagbubuntis bago kayo bumili ng pregnancy test:

1. VOMMITING. Heto ‘yung pakiramdam na para kang naduduwal kahit wala ka naman talagang isinusuka. Ito ay dahil mas nagiging sensitive ang iyong panlasa at pang-amoy, besh!

2. SPOTTING. Dahil hindi ka na magkakaroon ng menstruation, spotting ang iyong mararanasan kung saan kulay “brown” ito at hindi gaanong marami.

3. TENDER AND SWOLLEN BREASTS. Kung dati, eh, flat chested ka, for sure kapag magkakaroon ka na ng baby ay magbabago na ito. Naks! May pag-asa pa, besh!

4. FATIGUE. Makararanas kayo nito dahil tumataas ang lebel ng inyong hormone progesterone. Dagdag pa rito, bumababa ang blood sugar level at blood pressure ninyo.

5. CRAVINGS. Asahan na ninyo ito, mga besh! ‘Yung tipong, mga pagkaing dating ayaw ninyo, eh, magugustuhan na ninyo at magiging favorite. Halimbawa rito ang pagkainng mangga, sampalok at iba pa.

6. MOOD SWINGS. Ooops, for sure, marami ang relate rito kung saan may times na mainit ang ulo ninyo at mayroon ding malambing kayo. Hi-hi-hi!

7. RAISED BASAL BODY TEMPERATURE. Ito ay dahil nakararanas kayo ng ovulation kung saan ang temperaturang ito ay oral at madalas na maranasan sa umaga.

8. CONSTIPATION. Madalas na sasakit ang inyong tiyan at feeling bloated kayo dahil bumabagal ang inyong panunaw. Kaya make sure na ngunguyain ninyong mabuti ang inyong mga kinakain at umiwas na rin sa mga bawal.

Copy?

Kaya sa mga hindi pa dinaratnan diyan at feeling “pregnant”, itsek ninyo rito kung nagdadalantao na ba kayo.Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page