top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mas epektib ang pagtuturo kung kumportable rin ang mga guro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2019
1 min read

PARAMI na nang parami ang mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Kaya naman lumiliit na rin ang espasyo na natitira para sa mga guro kung saan naaapektuhan na ang kanilang trabaho.

Kaugnay nito, siniguro na sa simula ng 18th Congress ay pag-aaralan ang pagpopondo para mapaganda ang working condition ng mga guro.

Ito ay matapos maiulat ang mga CR na ginawang faculty room.

Dapat lang na makinabang sa pagpapaayos ng mga pasilidad ng mga paaralan ang mga estudyante at guro dahil ang ibig sabihin ng quality education ay quality educational facilities para sa mga ito.

Napag-alamang ngayong 2019 budget, mahigit P30.9 bilyon ang nakalaan para sa basic education facilities kabilang ang faculty areas.

Matatandaang, nag-viral sa social media ang ilang CR ng Bacoor National High School na ginawang faculty room.

Hirit ng mga guro, bagama’t, pangunahing trabaho nila ang magturo, dapat pa rin silang bigyan ng maayos na kuwarto o opisina para magawa nang maayos ang kanilang paper works tulad ng lesson plan, visual aids at marami pang iba.

Malaking tungkulin ang ginagampanan ng mga guro sa ating lipunan kaya ang kanilang mga pangangailangan, ibigay na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page