LIMANG PINOY PITCHERS, SABAK SA WORLD MEN’S C’SHIP
- Clyde Mariano
- Jun 18, 2019
- 1 min read

MATAPOS ang limang araw na acclimatization sa malamig na bansang Czech Republic, itataya ng mga Pinoy ang kanilang ipinagmamalaking international credential sa World Men’s Softball Championship na umarangkada noong Linggo, Hunyo 17, sacapital city sa Prague kung saan sina Gerry Igos, Diomedes Panton, Jomel Lorenzo, Rolando Guaves at Edgardo Pagariganay lumahok sa World Cycling Championship.
Maagang umalis angmga Pinoy para masanay at matagalan ang malamig na kondisyon ng bansa sa Eastern Europe sa sampung araw na torneo kung saan, karamihan sa 16 mga bansa na kalahok ay galing sa malamig na lugar sa Europe.
Ang Pilipinas ang nag iisang bansa sa Southeast Asia at pangalawa sa Asia kasama ang Japan na kasali sa prestihiyosong torneo na sanctioned ng International Softball Association at unang gagawin sa Czech Republic.
Pinalakas ng limang veteran pitchers, apat na right-hander at isang kaliwete, makikipagsabayan ang mga Pinoy na kilala sa pamosong monicker na Blu Boys na determinadong kunin ang coveted trophy na hindi nila nakuha sa dalawang nagdaangtorneo sa U.S. at Saskatchewan sa Canada.
Ang limang equally talented at grizzled veteran pitchers na hinasa at sinanay nina pitching coaches Nonong Sta Maria at Roger Rojas ay sina Leo Barredo, Marlon Pagkaliwagan, George Marquez, EJ Sariemento at Reagan Pareja.





Comments