Kitakits sa Live AIDS G na G sa 33!
- Thea Janica Teh
- Jun 18, 2019
- 2 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ngayong ika-33 taon, muli nating matutunghayan ang longest-running variety show sa Pilipinas.
Sama-sama tayong magtawanan at mag-enjoy sa Live AIDS: G na G sa 33 ngayong June 21, 22 & 23, 2019! Ang Live AIDS (Ang Istoryang Dinibelop ng SAMASKOM) o Acts, Improvisations, Dances and Songs ay isang annual musical-comedy series ng UP SAMASKOM (UP Samahan ng mga Mag-aaral sa Komunikasyon).
Ito ay nagsimula noong 1983 na isa lamang proyekto ng mga estudyante ng College of Mass Communication sa UP Diliman, ngunit, ngayon ay inaabangan at pinipilahan na! Hindi lang basta comedy ang mapanonood natin dito, tinatalakay din sa Live AIDS ang modern socio-political sphere na kinahaharap ng ating bansa ngayon.
Matutunghayan din natin ang mga trending at viral ngayong taon at marami pang iba.
Ngayong taon, pinangunahan at idinerek ito ni Deo M. Divinagracia.
Alam n’yo bang dito na-discover sina Tuesday Vargas, RS Francisco, Kaladkaren Davila, Kuya Kim Atienza, Tina Panganiban Perez, Giselle Sanchez, Ate Glow at marami pang iba? Kaya naman, tiyak na ngayong taon ay makikita natin kung paano dinidibelop na organisasyong ito ang mga estudyante ng UP para maabot ang kanilang mga pangarap.
Hindi lang ‘yan, nakiisa rin sa pagsuporta ng Live AIDS ang ilan sa mga kilalang personalidad tulad nina Vice Ganda, Bianca Gonzales, Ricky Lee, Lani Misalucha, Icy Mendoza, John Lapus, Rajo Laurel, NJ Pascual at Tim Yap na nag-share rin ng kanilang experience sa panonood ng Live AIDS.
Mapanonood ang kanilang interview sa kanilang Facebook page na https://www.facebook.com/upsamaskom.
Siguradong hinding-hindi masasayang at tiyak na aabangan ang susunod na taon kapag napanood ang Live AIDS.
Kita-kita tayo ngayong June 21 (7pm), June 22 (3pm/7pm) at June 23(3pm/7pm) sa Abelardo Hall, UP Diliman.
Para sa pagbili ng ticket, bumisita lamang sa ktx.abs-cbn.com at para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang social media accounts.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments