top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BABAENG NAKARARANAS NG ANXIETY

ROMA AMOR
Jun 18, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Natasha. Nagtataka ako kung bakit napaka dali kong makaramdam ng inis? ‘Yung sa hindi malamang dahilan ay naba-badtrip ako at hanggang hindi ako nakararamdam ng saya, hindi mawala-wala ‘yung ka-badtrip-an ko. Sinusubukan kong pigilan itong inis ko, pero wala talaga. Ang nakabubuwisit pa, ilang linggo ko nang sinusubukang tingnan ang ‘bright side’ ng mga bagay-bagay sa buhay, pero wala. Ano ang dapat kong gawin, Roma? Nabubuwisit na kasi ako! —Natasha

Natasha,

Minsan sa buhay, normal din talaga na makaramdam tayo ng pagkainis at pagka-badtrip, ngunit, ang palagiang pagkainis ay hindi maganda at hindi makabubuti sa kalusugan dahil magdadala lamang ito ng frustrations. Para maramdaman mo ang ‘bright sides ng buhay, sikapin mong ma-involve sa mga kaganapang sa palagay mo ay makapagbabago ng mood mo, halimbawa, subukan mong pumunta sa mall at i-treat ang sarili mo sa pagbili ng kung ano ang gusto mo. Minsan, makatutulong din ang pag-a unwind para malabanan ang mga frustration. Puwede ka ring mamasyal. gawin mo ang mga bagay na trip mo para hindi ka makaramdam ng pagkabuwisit sa mundo. Nawa ay makatulong sa iyo ang aming payo. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page