top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

AMIGO NA NAKASUOT NG T-SHIRT NA KULAY BLUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2019
1 min read

Salaminin natin angpanaginip ni Merla ng Merla_De_Castro@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako kagabi,may pinuntahan ako at nakita ko ‘yung amigo ko na nakatingin sa akin. Noong nakita ko siya ay nakasuot siya ng t shirt na may guhit na blue at sky blue, tapos, nagising na ako. Ano ang ibig sabihin nito? Sana, suwertehin ako. Maraming salamat!

Naghihintay,

Merla

Sa iyo Merla, Oo, iha, suwerte ang panaginip mo, kaya malaki ang tsansa na suwertehin ka. Maraming klaseng suwerte at para sa iyo, ang suwerte mo ay tungkol sa pag-angat ng iyon gbuhay. Ito ay dahil ang kulay blue, guhit man o tuldok ay tumutukoy sa matataas na kalagayan ng buhay. Kaya, ibinabalita ng iyong panaginip na mula sa ibaba ay aangat ka dahil ayon sa panaginip mo, dumating na ang takdang panahon na aangat ang iyong kabuhayan. Alam mo, Merla, may kani-kanyang panahon ang mga nangyayari sa mundo kaya may nakikita tayo na taong sikap nang sikap, pero wala ring napapala. Ito ay dahil hindi pa dumarating sa buhay nila ang takdang panahon para umasenso. Ang pagpapalit ng panahon ay sinasalubong ng mga tao, isa itong tradisyon sa lahat ng sibilisasyon. Dito rin sa atin ay sinasalubong ang pagpapalit ng panahon. Naglilinis ng bahay, bumibili ng bagong damit, naghahanda nang bongga na daig pa ang simpleng mga fiesta. Nagsasayawan, nagkakasiyahan at madalas ay nagpapalitan ng gifts. May isa pang tradisyon ang mga tao, pero ang tradisyong ito ay makaluma na, pero kailangan mong malaman dahil sa iyong na panaginipan, ito ay ang pagligo nang sa gayun ay umangat ang iyong buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page