55 milyon residente apektado | MALAWAKANG BLACKOUT SA SOUTH AMERICA
NAKARANAS ng malawakang blackout sa Argentina, Paraguay at Uruguay dahil sa pagpalya ng power grid.
Ayon sa Energy Secretariat ng Argentina, nasira ang kanilang power grid dahilan para mawalan ng kuryente ang buong bansa, gayundin ang kalapit bansa na Uruguay at Paraguay.
Nabatid na aabot sa 55 milyong residente ang apektado sa malawakang blackout.
Nagresulta sa pagsasara ng pangunahing transport service tulad ng subway, pagkawala ng water supply at cellphone at internet service.
Dahil sa hindi paggana ng traffic lights, naperhuwisyo ang daloy ng trapiko, gayundin, humaba ang pila ng mga sasakyan sa mga gasolinahan.
Patuloy sa pagsisikap ang pamahalaan upang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente.





Comments