3 BEBOT TIMBOG SA SHABU
COTABATO CITY—Tatlong babaeng drug pushers ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights 7 sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Malvina Duloan, Raihana Macalimpas at Dacel Fortich, pawang residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 200 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang tatlong suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments