top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pinirmahan ng aktor, ibinigay na sa mga doktor… MANOY EDDIE, MAY BILIN SA PAMILYA NA 'WAG NA SIY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2019
  • 1 min read

UNCONSCIOUS pa rin ang legend na si Manoy Eddie Garcia sa Makati Medical Center matapos maaksidente sa taping ng bagong serye niya sa GMA-7.

Dumating du’n ang nephew ni­yang doctor to present a NRC (No Resuscitation Certificate) na pirmado ng aktor nu’ng malakas pa ito.

Tila noon pa man, napaghandaan na ni Eddie ang ganitong pangya­yari. Ang tipo kasi ng aktor ang ayaw nang maghirap at pahirapan pa ang mga nagmamahal at nakapa­libot sa kanya.

Ang problema’y sino sa mga kaanak niya ang may lakas ng loob na magtanggal ng life support system na ‘yun?

‘Di ba, whoever does it will bear the guilt of an assassin?

Samantala, may panawagan si Sen. Grace Poe — na malapit din sa beteranong aktor dahil naka­sama ito ng ama niyang si FPJ sa napakaraming pelikula — na protektahan daw dapat ang mga nagtatrabaho sa set lalo na kung action scenes.

Hindi naman daw sinisisi ng senadora ang GMA-7, gusto lang niyang ipaalala na dapat ay laging may nakaan­tabay na doktor o medic sa set para maiwasan ang tulad ng nangyaring aksidente kay Manoy Eddie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page