Bunsong babae, ipinakilala na sa madlang pipol… ROBIN, BALIK-AUSTRALIA PARA SA ANAK NILA NI LIEZEL
- BULGAR

- Jun 17, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

'KATUWA naman dahil mga anak na rin ang turing ni Robin Padilla sa mga manugang niya kina Queenie at Kylie Padilla na sina Usama at Aljur Abrenica.
Kahapon, Father’s Day, ipinost ni Robin ang litrato nina Usama at Aljur kasama ang kani-kanyang asawa kasunod ang pagbati ng… “Happy Father’s Day to you my sons, Usama and Aljur.”
Samantala, based sa latest photos na ipinost ni Robin, nasa Gold Coast of Australia siya para dumalo sa graduation ng bunsong anak na babae nila ni Liezl Sicangco na si Zherileen Padilla na ipinakilala ni Robin na… “Mga kababayan, my director Zherileen Padilla.”
Sa isa pang litrato, makikita si Robin at mga anak na sina Zherileen at Ali, si Liezl at isa pang girl na nasa isang restaurant to celebrate Ali’s 19th birthday. Mababasa ang birthday greetings ni Mariel Rodriguez-Padilla na “Happy birthday, Ali!”





Comments