BEST REGARDS AT SHANGHAI NOON

MAGTATANGKANG agawin ng mga kalahok na Best Regards at Shanghai Noon ang titulong 2019 Philracom 2nd Leg Triple Crown Stakes Race na unang pinanalunan ng Real Gold sa Saddle and Clubs Leisure Park, sa Naic, Cavite.
Ito ang nakikita kong senaryo sa susunod na laban sa 2nd Leg Triple Crown sa Santa Ana Park. Kapwa nakitaan ng magandang tiyempo ang mga kabayong Best Regards at Shanghai Noon sa huling laban.
Bukod sa dalawang mananakbo, susubukan din ng Jayz at Boss Emong na makuha ang titulong nabanggit. Makahaharap din ang Phenomenal at Toy for the Bigboy sa 2nd Leg Triple Crown matapos makitaan ng magandang takbo.
Nakataya ang P3-milyon sa nasabing laban at mapupunta ang halagang P1.8 milyon sa kampeon habang P675,000 sa 2nd place, mapupunta naman ang P375,000 sa 3rd place at tatanggap ng P150,000 ang 4th place.
Sa Hopeful Stakes Race, masasabing magkakalaban ng mahigpit ang mga kalahok na Harapin ang Bukas, JLO, Mood Swing, My Jopay, Serafina, Skyscraper, Suberbia, The Accountant, Two Timer at Viscerion.
Maglalaban sa unahan ang mga kalahok na My Jopay, JLO, Serafina, Two Timer, Viscerion at Harapin ang Bukas sa P1-milyon na papremyo na hahatiin sa apat na unang makakatawid sa finish line.
Tatanggap ng P600,000 ang tatanghaling kampeon, habang mapupunta sa 2nd place ang P225,000 at tatanggap ng P125,000 ang 3rd place at P50,000 sa 4th place.





Comments