top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alamin mula kay Señor... KATOTOHANAN TUNGKOL SA SUMMER SOLSTICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Robert ng Robert_Robert @facebook.com

Dear Señor, Ano ‘yung summer solstice na nababasa ko sa mga balita na magaganap daw sa June 21? Naghihintay, Robert

Sa iyo Robert, Oo, iho, sa June 21 ay summer solstice na.

Para sa ating mga Pinoy, nakagugulat ang ganitong balita dahil ang June 21 ay para sa marami sa atin at hindi sa summer. Ang totoo, ibinalita ng PAGASA na tapos na ang summer at ngayon ay tag-ulan na.

Kaya nararanasan natin ang pag-ulan at buong maghapon ay makulimlim. Nakararanas din tayo ng mabilisang pagbaha na nagpapahirap sa publiko.

Sa ngayon, paniguradong magsisimula ng maging mabili ang mga payong, kapote, bota at mga panlaban sa ulan. Kaya panahon na para magtinda ng ganitong mga bagay. Kaya sobrang natutuwa ang mga negosyante na sumasakay sa takbo ng panahon dahil alam nila na sa pagtitinda ng nasabing mga produkto ay kikita sila ng malaking halaga.

Nakatutuwa dahil ang summer solstice para sa mga Pinoy ay rainy days at ang negosyong pang-summer ay nalulugi na at hindi na mabenta.

Pero, bakit ang salitang “summer” ay nasa summer solstice?

Alam mo, iho, papalit-palit ang panahon at ang pinalitan ng summer solstice ay ang winter solstice na nagaganap tuwing December.

Kaya, ang winter season ay tapos na at ang papalit ay ang summer season. Sinasabi lang nating tag-ulan dahil maulan, pero ito ay nakapaloob pa rin sa summer.

Kaya mapapansin natin na kahit tag-ulan ay sobrang init ng araw na malayung-malayo sa sikat ng araw tuwing winter o December.

Ang summer ay kailangan ng earth para manatili itong the green planet. (Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page