Sakto ngayong Father‘s Day... MGA BAGAY NA GINAGAWA NG TATAY SA KANYANG MGA ANAK
- DONNABELLS
- Jun 16, 2019
- 2 min read

ANG mga tatay, ama, daddy at papa ang haligi ng tahanan at nagpo-provide para sa pamilya. Kilala rin sila na istrikto, lalo na sa kanilang mga anak na babae, pero kahit killjoy (KJ) sila minsan, hindi pa rin matatawaran ang mga bagay na kaya nilang gawin para sa kanilang pamilya.
Alamin, ang mga bagay na dapat nating ipagpasalamat sa ating tatay:
1. PROTECTION. Sila ang nagbibigay ng proteksiyon sa atin sa tuwing may mga taong gusto tayong saktan o abusuhin. Marahil, kaya ibinigay sa kanila ang lakas na mayroon sila ay dahil alam ng nasa itaas na isa ‘yun sa magiging purpose nila sa oras na magkaroon na sila ng pamilya.
2. CONCERNED ABOUT YOUR FUTURE. Para sa mga anak diyan na mayroong istriktong tatay, kaya sila naghihigpit sa inyo ay dahil gusto nila kayong magkaroon ng magandang kinabukasan, minsan nga lang nasosobrahan kaya tuloy imbes na maunawaan, nauuna ang galit at sama ng loob.
3. SACRIFICE THEIR TIREDNESS. Kahit pagod na sila sa katatrabaho, basta may sirang gamit sa bahay, to the rescue si tatay, kaya marami ang bumibilib sa kanila pagdating sa diskarte dahil mahilig silang magkumpuni ng mga gamit kung saan agad nila itong naaayos o nagagawan ng paraan.
4. MAKE SURE THAT FAMILY IS COMFORTABLE. Tulad ng mga ina, mas una nilang iniisip ang kapakanan ng kanilang pamilya, kaya hangga’t kaya nilang magtiis, sisiguraduhin muna nilang komportable ang kanilang pamilya bago ang sarili nila. Oh, ‘di ba, bongga?
5. LOVING UNCONDITIONALLY. Of course, wagas din silang magmahal tulad ng mga nanay dahil naniniwala sila na kung ano ang gagawin at ipakikita nila sa kanilang mga anak, ‘yun din ang ibabalik sa kanila sa oras na kinailangan na nila ang pag-aaruga ng mga ito.
For sure, may mga sasang-ayon at hindi dahil may kani-kanya tayong pananaw sa buhay, pero kahit gaano pa kabuti o kasama ang ating mga tatay, tatay pa rin natin sila kahit anong mangyari, agree?
Happy Father’s Day sa lahat ng mga ama at tumatayong ama para sa kanilang mga anak!








Comments