Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAKATAGPO NG LALAKING KA-LEVEL


KATANUNGAN 1. Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng boyfriend ko dahil nag-break kami. Wala siyang trabaho, samantalang, noon ko pa siya sinasabihan na magtrabaho para hindi siya ayawan ng pamilya ko. Pero, matigas ang kanyang ulo, palaging nakatambay sa kanto at umaasa sa mga magulang at kapatid niya. 2. Dumating ang point na nagtalo kami at nauwi ‘yun sa cool-off. Makalipas ang dalawang linggo, tuluyan na kaming nag-break. 3. May work na siya ngayon, kaya lang hindi permanente, pero okay na ‘yun kaysa wala. Nakikipagbalikan siya dahil may work na siya. 4. Naguguluhan ako kung dapat ko pa ba siyang tanggapin? Unti-unti na kasing nawawala ang feelings ko para sa kanya. May bago kasi akong manliligaw na mas okay kasama at may stable job. 5. Sino sa dalawang lalaking ito ang makatutuluyan at makakasama ko, habambuhay?
KASAGUTAN 1. Malamang, ‘yung lalaking may stable job at ka-level mo rin kung saan ito ang nais sabihin na kusang sumabay at nang lumaon ay sumama at nakiisa na rin sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na guhit ng magaling na lalaki na tinatawag ding Influence Line (Drawing A. at B. I-I arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. 2. Tanda na ang makakatuwang at makakasama mo sa pagbuo ng pamilya ay lalaking nakapag-aral at may magandang career o medyo nakaluluwag sa buhay na nangangahulugan ding posibleng ang manliligaw mo sa kasalukuyan, ang guhit ng Influence Line na ito (arrow b.) na sumama sa Fate Line (arrow a.). 3. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa ikalawang pakikipag-boyfriend ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkabilog sa simula, ngunit, unti-unting umaayos at gumaganda sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong pirma. Ibig sabihin, pagtuntong mo sa edad na 25 pataas, paganda na nang paganda ang iyong buhay, lalo na sa aspetong pang-career at pakikipagrelasyon na tulad ng nasabi na, ito ay magaganap at mangyayari kapag tuluyan mong sinagot ang manliligaw mong may stable job na nagtataglay ng zodiac sign na Capricorn. MGA DAPAT GAWIN 1. Sheryl, kung namumroblema ka ngayon sa pag-ibig, lilipas din ‘yan dahil unti-unti na kayong magkakaigihin ng kasalukuyan mong manliligaw na may stable job kung saan tulad mo rin siya, edukado, nakapagtapos ng pag-aaral at may magandang career. 2. Dagdag pa rito, ayon sa iyong mga datos, ang lalaking ito na nga ang nakatakda mong makatuluyan at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang maganap sa taong 2023, sa edad mong 28 pataas (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).




Comments