top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya huwag lang ngayong Father’s Day natin sila pasalamatan… PAGBATI PARA SA MGA HALIGI NG TAHANAN!

  • Thea Janica Teh
  • Jun 16, 2019
  • 2 min read

Bulgarific Lifestyle

PARA sa mga korning joke ni tatay na kahit hindi nakakatawa ay kailangang tumawa dahil kung hindi, hindi tayo papayagang gumala. Para sa mga naipong konsumisyon ni tatay habang lumalaki tayong pasaway. Para sa tapang ni tatay habang sinasamahan tayo sa kuwarto dahil takot tayo sa monster sa ilalim ng ating kama. Para sa pagtitiyaga ni tatay sa pagtuturo sa ating mag-bike at para sa pinakapoging tatay sa buong universe, ito ang araw ninyo!

Narito ang ilan sa mga message ng ating mga ka-BULGAR para sa kanilang mga tatay:

-HAPPY Father’s Day Papa Ruperto Ruiz, Jr.! Salamat sa lahat at wish ko lang for you ay good health and long life for more gala. We love you Papa Jun Ruiz! From: Jcel, Jardene and Janriel

-HAPPY Father’s Day to our beloved Papa Jose Terry Relox! We pray for good health, prosperity and abundant blessing in your family life and ministry! We love you po!

-HAPPY father’s Day ay Papa Jessie Obillo! We love you! ‘Wag mo kalilimutang uminom ng losartan, ha? Ha-ha-ha! Love, Celine and Loida

-HAPPY Father’s Day ay Lolo Tem, Papa Jessie & Daddy Darjino Ace! Our hero and role model, thank you for everything you have done for our family. We love you with all our hearts.

-HAPPY Father’s Day Daddy Johnny, Papa Ando, Papa Manny, Daddy Jonas & Daddy Joshua! Thank you for all the sacrifices, we love you! Love, Pamilyang Gutom

-HAPPY Father’s Day kuya George, Jessie, Jhun, Phen, Jay ar! We love you!

-HAPPY Father’s Day Daddy Miggy! One day is not enough to honor how special of a father you truly are because you are amazing every day of the year. Thank you for all that you do. We love you!

Kaya ngayon, higit sa tatlong salitang mahal ko kayo ang dalawang salitang maraming salamat dahil sa sakripisyo ninyong ibinibigay sa amin at kahit hindi ninyo sabihing pagod na kayo sa pagtatrabaho para lang sa amin, hindi lang ngayong Father’s Day namin kayo pagsisilbihan kundi, araw-araw. Happy Father’s Day din sa mga nanay na nagsisilbing tatay sa kanilang mga anak, gayundin kina lolo at tito. Happy Father’s Day sa mga pinakapoging tatay sa balat ng lupa!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page