top of page
Pokwang.jpg

7 yrs. na raw, hapi na tanggap ng madlang pipol, Vice… MIKEY BUSTOS AT BF, SA CANADA GUSTONG MAGPAKA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2019
2 min read

TULAD ng kanyang idol na si Vice Ganda, nag-out na rin recently ang Fil-Canadian YouTube vlogger na si Mikey Bustos.

Pero ang siste, naunahan ni Mikey si Vice sa pag­lalantad sa kanyang partner na si RJ Garcia.

Sobrang hapi ngayon si Mikey dahil ‘freedom’ ang na-feel nila ng kanyang boyfie nang i-announce nilang 7 yrs. na silang magkarelasyon at tanggap-suportado naman daw ito ng kanilang pamilya.

At mas na-happy pa sila dahil hindi lang ang LGBT community ang nakatanggap sa kanilang relasyon ni RJ kundi maging ang ibang tao. Hindi naman daw sila nakatanggap ng pamba-bash at discrimination at marami pa nga raw ang bumabati sa kanila sa kanilang pagka-come out.

Sa ngayon, inamin nina Mikey at RJ na napag-uusapan din nilang magpakasal pero sa Canada raw nila naiisip gawin ito at hindi sa Taiwan kahit pa approved na ang same sex marriage sa naturang bansa.

Akala kasi ng press, since si Mikey ang kinuhang ambassador for two years now para mai-promote ang Taipei, ru’n din sila magpapakasal ng kanyang BF.

Pero sabi ni Mikey, four times na siyang nagpabalik-balik sa Taipei at naisama na nga rin niya ru’n si RJ. Enjoy na enjoy at feel at home siya sa Taipei dahil marami raw magagandang lugar du’n tulad ng Beitou Hot Spring na puwedeng dayuhin ng mga turista bukod sa masasarap na food, na ang favorite nga raw niya ay ang stinky tofu.

Sa second year ni Mikey bilang ambassador, mas maraming ipapakita sa kanyang vlogs ang sikat na vlogger para sa #UndiscoveredTaipei campaign.

Natuwa ang Taipei government sa performance ni Mikey as endorser kaya muli siyang kinuha.

Ayon naman kay Mr. Yi-ting Liu, commissioner of Taipei City, open sila kung may mga Filipino filmmakers na gustong mag-shooting sa kanilang lugar at magbibigay sila ng mga discount depende sa pag-uusap.

So, sa mga film producers d’yan, alam n’yo na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page