Patay sa Ebola 1,400 na
Nangangamba ang maraming doktor sa patuloy na pagkalat ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo (DRC) kung saan halos 1,400 katao na ang naitalang nasawi.
Ayon kay Dr. Jeremy Farrar, director of major charity na Wellcome Trust, walang senyales na hihinto ang pagkalat ng virus.
Dagdag pa ni Farrar, ang bagong epidemya ng sakit sa DRC ay ang pinakamalala mula noong 2013 hanggang 2016.
Gayundin, lumabas ang sakit sa DR Congo at isang 5-anyos ang nasawi mula sa kapitbahay na bansa nito na Uganda.
Pitong hinihinalang kaso ng virus ang binabantayan ng Ugandan government.
Iginiit ni Farrar na kailangan na ng tulong mula sa ibang bansa upang mapigilan ang panganib ng Ebola at hindi ito kayang harapin ng DRC nang mag-isa.





Comments