NPA dedbol sa engkuwentro
- Pabs Hernandez III
- Jun 15, 2019
- 1 min read
SORSOGON—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay at naaresto naman ang kasama nito sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan, kamalalawa sa Bgy. Incariza, Magallanes sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Edwin Dematera, samantalang, ang nadakip ay si Jimuel Bueno, kapwa miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na darakpin sana sina Dematera at Bueno, pero bigla umanong nanlaban at pinagbabaril ng mga rebelde ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay si Dematera at nadakip si Bueno.





Comments