Mga close lang daw niya ang puwede... CHERIE GIL, SINABIHAN SI DINGDONG NA 'WAG SIYANG TATAWAGI


‘KAALIW si Cherie Gil na ayaw patawag ng tita sa mga StarStruck hopefuls at pati na rin sa ibang mga batang artista. Aniya, ang mga close lang niya ang puwedeng tumawag sa kanya ng “tita” bukod sa kanyang mga tunay na pamangkin.
Pati nga si Dingdong Dantes na host ng StarStruck ay sinabihan niya sa presscon na huwag daw siyang tatawaging “tita” lalo pa nga’t barkada nito ang pamangkin niyang si Gabby Eigenmann.
Nagsimula raw ang ganitong rule niya nang minsang mainit ang ulo niya at mag-post siya ng “never call me tita.” Ipinasa raw ito ni Lea Salonga at naging viral na.
“It became a social issue,” sambit ni Cherie.
‘Yun pala ay marami raw nakaka-relate sa kanya na mga babaeng ka-age niya who find it awkward to be called “tita.”
Si Cherie ay isa sa mga judges sa StarStruck 7 kaya warning sa mga hopefuls, kung ayaw n’yong kainisan kayo ng aktres, huwag na huwag n’yo siyang tatawaging “tita.”





Comments