Kahit milagro na lang daw ang kailangan ng aktor… EDDIE, AYAW ISUKO NG PAMILYA


SA kabila ng kasalukuyang kondisyon ng veteran actor na si Eddie Garcia na comatose pa rin sa Makati Medical Center sanhi ng neck fracture na tinamo nang maaksidente sa taping ng Rosang Agimat, hindi bumibitaw ang kanyang immediate family at patuloy na umaasang makaka-survive pa si Manoy Eddie.
Maging ang mga co-actors ni Eddie at mga kaibigan sa movie industry ay patuloy na nagdarasal para maka-recover at makabalik sa dati ang icon ng showbiz.
Nagsidalaw na kay Manoy Eddie sina Bong Revilla, Jr., Lani Mercado, Phillip Salvador, Robin Padilla, Coco Martin, Sen. Bong Go at ganu’n din si Sen. Grace Poe. Naging bahagi si Eddie ng mga pelikulang ginagawa ni Fernando Poe, Jr. kaya mataas ang respeto ni Sen. Grace sa veteran actor-director.
Kahit na sinasabing kailangan ng isang “milagro” upang maka-survive sa kanyang health condition si Eddie, still, ayaw bumitaw ng kanyang live-in partner at mga anak. Hangga’t okay pa ang kondisyon at utak ng aktor, naniniwala sila na makakasalba ito at muling gigising.





Comments