Ate Girl, todo-iyak na raw dahil sa BF, guy tawa lang nang tawa… HIRIT NG NETIZEN: JACKIE, SAYANG KU
- BULGAR

- Jun 15, 2019
- 2 min read

UMIYAK si Jackie “Ate Girl” Gonzaga sa ‘agawan portion’ nila ni Ion Perez over Vice Ganda sa It’s Showtime.
Base sa batuhan nila ng linya nina Ion at Vice, ramdam na may pinagdaraanan si Ate Girl.
Biglang bumuhos ang luha ni Ate Girl nu’ng pinatugtog ang kantang Kaluguran Daka. Napansin agad ‘yun ng mga hosts ng Kapamilya noontime show.
Say ni Anne Curtis, “May pinagdaraanan ‘yung tao.”
Pagkatapos ay inabutan ng isang box na facial tissue si Ate Girl ng kasamahan niyang dancer sa show.
“Sorry, sorry. Nabigla lang ako, Jackie,” sabi ni Vice kay Ate Girl.
Sagot naman ni Ate Girl kay Vice, “Huwag kang masyadong matuwa. Narinig ko na rin ‘yan.”
Nag-follow-up pa si Vice kay Ate Girl kung ano’ng nangyari ru’n sa nagsabi sa kanya ng binitawang salita ni Ion kay Unkabogable Star kung bakit gusto niyang pagsilbihan ang nababalitang karelasyon.
“Wala, gusto ko lang pagsilbihan ‘yung taong gusto ko,” sey ni Ion.
“Tapos ano’ng nangyari?” tanong niya kay Ate Girl.
“Ayun, daot,” lahad ni Ate Girl habang humihikbi.
Naging topic agad sa social media ang pag-iyak ni Ate Girl. Duda ng ilang netizens, nakipag-break na si Jackie sa kanyang boyfriend na walang iba kundi si Hashtag Tom Doromal.
Agad namang sumagot si Tom at nag-post ng kanyang reaksiyon sa social media.
“Hindi po kami hiwalay ni Jackie. FYI po, hindi po kami naghiwalay, okay? ‘Yun lang ‘yun,” mensaheng inilagay ni Tom sa kanyang Instagram account
Pero patuloy pa rin ang pagko-comment ng mga netizens sa isyu ng hiwalayan nina Tom at Ate Girl.
Feeling ng mga netizens ay paulit-ulit na sinasaktan ni Tom si Ate Girl kaya ‘di na nito napigilang umiyak on air.
Tweet ng isang netizen, ”Eh, ‘yung gf mo, iyak nang iyak, ikaw, tawa-tawa lang, parang bigat ng pinagdadaanan niya. Eh, mabigat siguro ginawa mo saka paulit-ulit. Ipag-pray ko magising sa katotohanan ang gf mo. Kasi mukhang lagi mo lang pinaiiyak. Sayang si @jackiegirlg kung sa katulad mo lang mapunta. @vicegandako.”
Hindi ito pinalampas ni Tom at sinagot ang netizen, “Alam mo, we’re all different. I’m not the type na iiyak sa harap n’yo/mo. And for sure you’ve even been saved by God’s grace a hundred times. Make sure to judge yourself first before others.”
Reaksiyon naman ng isa pang netizen, “Wala naman tayo dapat pakialam kung ano nangyayari kina @Hashtag_tomD At @jackiegirlg Hindi porke’t nasa showbiz sila, bawat kilos nila, kailangang makialam tayo. Guys, matuto tayong bigyan sila ng privacy at respeto. Hindi naman kasi natin alam ‘yung buong nangyari, so shut up.”
May nakapagkuwento naman sa amin na madalas daw makitang magkasama sina Ate Girl at Tom na nagsa-shopping. But lately, ‘di na raw nila napapansing kasama ni Ate Girl si Tom.
Ang pamilya ni Tom ay may resort sa Davao. Family business daw ‘to ng mga kamag-anak niya. But sad to say, sa naturang resort namatay dahil sa pagkalunod ang isa pang Hashtags member na si Franco Hernandez.




Comments