top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3 bahay natupok sa sunog

Pabs Hernandez III
Jun 15, 2019
1 min read

ISABELA—Tatlong bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog, kamakalawa sa District 1, Cauayan City sa lalawigang ito.

Ang mga nasunog na bahay ay pag-aari nina Natividad Abalos, Regina Alvarez at Edwin Dumelod, pawang nakatira sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nagising na lang ang mga residente na nasusunog na ang bahay nina Abalos, Alvarez at Dumelod.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente at inaalam na rin ng mga awtoridad kung saan nagmula at sanhi ng sunog sa tatlong bahay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page