TIKAS NI SALDUA, INILIGTAS ANG DAVAO VS. ZAMBO SA MPBL


INUNGUSAN ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang Zamboanga Family’s Brand Sardines sa isang makapigil-hiningang 84-82 win sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup na idinaos sa opening ceremony sa MOA Arena noong Miyekules ng gabi.
Si Saldua ang umiskor ng game-winning shot sa huling 23 segundo. Mula roon, hindi na lumingon pa ang Tigers at puwersahang ginitla si Raphy Reyes na harangin ang mga tangka nito sa perimeter bago nakuha ang panalo. “They gave us a good fight and I expected that,” ayon kay Davao coach Don Dulay. “But a win is a win and I’ll take it.”
Si Chester Saldua, isa sa bagong recruit ng Davao, ang namuno para sa Tigers sa bisa ng 15 puntos at 7 rebounds. Dumagdag si Billy Robles ng 14 puntos habang si Marco Balagtas ay nakagawa ng 12.
Makaraang mapigilan sa may 12 puntos na lamang sa second quarter, muling sumingasing ang galit ng Tigers sa paghahabol ng 8 puntos para itarak ang 40-36 lead kontra Family’s Brand-backed Squad sa kaagahan ng third period. Samantala, tinalo ng Basilan Steel ang Bicol Volcanoes, 94-83. Pinangunahan nina dating Quezon City Capitals teammates Jay Collado at Hesed Gabo ang dulo ng laro, may pinagsamang 12 para sa 25 puntos ng team sa fourth period nang maitala ng Jumbo Plastic-Backed Steel ang panalo. Tampok ang laro ngayong Biyernes sa Strike Gym ng 7 p.m. ang Cebu vs Bulacan at sa 9 p.m. ang Bacoor vs San Juan. (MC)





Comments