top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga taga-Siyete, missing in action, mga tambay lang daw ang bumuhat… VIDEO NG AKSIDENTE NI EDDIE, &#

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAKA-LIFE support pa rin hanggang ngayon ang veteran actor na si Eddie Garcia dahil hirap at hindi nito kayang huminga kapag walang ventilator.

Ayon sa naisulat na report ng Phil­Star, kritikal pa ring inoobser­bahan ang veteran actor at unresponsive pa rin (brain dead) kahit na maayos na nagpa-function ang kanyang puso, kung saan tinawag ito bilang “Glas­gow coma, the lowest rate.”

Ito ay matapos mapatid sa cable wire ang veteran actor at tumama ang kanyang ulo sa sementong sahig na nagresulta ng pag­kabali rin ng kan­yang spinal cord.

Sinabi rin ng long-time partner ni Eddie Garcia na si Lilibeth Romero na idineklarang dead on arrival ang veteran actor nang dalhin sa Mary Johnston Hospital sa Tondo pero na-revive naman ito.

Wala rin daw sinisisi ang long-time partner ni Ed­die at nagpapasa­lamat sa mga taong tumulong sa veteran actor, na tumawag ng duma­raang sasakyan o taxi.

Ngunit, sinabi nito na mas mainam daw kung may naka-standby na medics at ambulance sa set.

Nalungkot din daw siya nang ma­lamang walang nagmamando sa set at ang tumulong pa raw na magdala sa kanyang partner ay mga tambay na nakapaligid/nanonood sa shooting.

Maiiwasan din daw sana ang ak­sidente kung na-check ng mga production ang kondisyon ng kalsada at ang mga wires na nakakalat na na­ging dahilan nga ng pagkatisod ng aktor.

Inalala rin ng partner ni Eddie for 33 years ang pag-alis ng beteranong aktor noong umaga bago siya naak­sidente.

Alas-kuwatro pa lang daw ay buma­ngon na ang aktor para mag-almusal at umalis sa kanilang bahay nang alas-singko para hindi ma-late sa shooting.

Sinabi rin nito na normal at ma­ayos ang kalagayan ni Eddie bago ma­ganap ang aksidente.

Aniya, “His blood pressure and blood sugar were normal.”

Dagdag pa niya, “And he even campaigned (for a party list) in last May 13 elections, staying under the oppressive sun for hours. I was with him, prepared with towels, drinks and sandwiches. So I was devastated when I saw that accident on the video clip. And it had to happen in line of work! I saw the video only once and I don’t want to see it again.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page