Kidnaper tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Jun 14, 2019
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang kidnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Arena Blanco sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Masdal Jacaria, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana si Jacaria kaugnay sa kinahaharap nitong kasong kidnapping, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments