72 sugatan sa rally
Ginamitan ng rubber bullets at teargas ng mga pulis ang libu-libong nagpoprotesta sa Hong Kong.
Ilang araw nang nasa lansangan sa Hong Kong ang mga ralista para tutulan ang kontrobersiya sa extradition bill.
Pero, lalong dumami ang bilang ng mga ralista kung saan naabala ang pangunahing mga kalsada dahil sa traffic.
Layon ng extradition bill na ang mga may kasong kriminal sa Hong Kong ay dalhin sa mainland China para roon litisin.
Umabot sa 72 ang nasugatan sa engkuwentro ng mga pulis at mga nagpoprotesta.





Comments