MESSI DINAIG SI MAYWEATHER BILANG HIGHEST-PAID ATHLETE
- BULGAR

- Jun 13, 2019
- 1 min read

TINANGGALAN ng trono ni Barcelona at Argentina striker Lionel Messi si five-division boxing world champion Floyd Mayweather bilang highest-paid athlete sa nakaraang isang taon, ayon sa taunang listahan ng business magazine Forbes noong Martes.
Si Messi, na umiskor ng 36 goals habang namumuno sa Barcelona sa La Liga nitong 2019 ay may natipong $127 million mula sa kanyang suweldo at endorsements upang umangat ng isang puwesto sa listahan ng ‘world’s 100 highest-paid athletes.’Humihilera sa top five sina Juventus forward Cristiano Ronaldo ($109 million), Paris Saint-Germain forward Neymar ($105 million), Mexican boxer Canelo Alvarez ($94 million) at Swiss tennis great Roger Federer ($93.4 million).
Si Mayweather, na nangunguna sa listahan noong 2018 at apat na beses sa loob ng pitong taon ay nagkaroon lamang ng isang exhibition match noong Disyembre sa Japan at hindi pumasok sa top 100, na binubuo ng mga atletang mula sa 10 iba’t ibang sports. Ang National Basketball Association ay may 35 players na pumasok sa top 100, pero hindi nalalampasan si Los Angeles Lakers forward LeBron James na nasa ranked 8 na may kabuuang kita na $89 million. Ang American football ang sumunod na most-represented sport na may 19 players, kasunod ang baseball na may 15 at ang soccer ay may 12. (ATD/MC)





Comments