top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA LOTTO OUTLET NA MALAPIT SA TINDAHAN NG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Kasalukuyan kaming nagtitinda ng fishball at iba pang street foods sa sidewalk at gusto naming dagdagan ang aming pu­hunan para magkaroon kami ng sariling puwesto at hindi na pinalalayas palagi ng traffic enforcer, kaya lang, wala kaming sapat na puhunan.

Sana, mabigyan ninyo kami ng mapapalad na numero. November 4, 1986 ang birthday ko at June 28, 1980 ang birthday ng mister ko.

Umaasa,

Marry Rose ng Sapang Palay, SJDM, Bulacan

Dear Marry Rose,

Ayon sa birth date mong November 4, 1986 at June 28 1980 naman ang mister mo, ang pinakamapalad nin­yong numero ay lahat ng nu­mero na may mga sumatutal na 1, 4 at 7 tulad ng 1, 4, 13, 25, 34 at 40.

Puwede rin ninyong su­bukan ang 4, 7, 10, 22, 34 at 49, gayundin ang 7, 16, 28, 31, 40 at 44. Maaari rin kayong humugot ng kum­binasyon mula sa Cabalistic of Numbers na 241, 902 at 884.

Mapalad naman kayong mag-asawa mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-28 ng Hulyo, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Pebrero hang­gang sa ika-28 ng Marso.

Suwerte naman ang ku­lay dilaw, berde at pula sa inyo higit lalo sa mga araw ng Linggo, Lunes at Biyer­nes. Magsisilbing anting-anting na panghigop ng su­werte at magandang kapa­laran kay mister ang mga ba­tong topaz at agate o moon stone kay mister.

Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap kayo ng lotto outlet na mala­pit sa istasyon ng tubig o kaya ay tindahan ng mineral water. Puwede ring lotto out­let na malapit sa tabin-dagat.

Ang nasabing lotto out­let ang magpapatama sa inyo ng jackpot sa susunod na mga taong 2020 hanggang 2022.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page